Liderato ng CPC, pinakinggan ang palagay ng mga non-CPC personage tungkol sa kabuhayan

2022-07-30 18:16:34  CMG
Share with:

Nagpulong nitong Hulyo 25, 2022, sa Beijing, ang mga miyembro ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), kasama ng mga liderato ng walong partidong di-komunista, puno ng All-China Federation of Industry and Commerce, at tauhang di-kasapi sa partido, tungkol sa isyu ng kabuhayan.


Sa pulong, inilahad ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang pag-aanalisa ng CPC sa kasalukuyang kalagayan ng kabuhayang Tsino at mga plano ng partido sa gawaing pangkabuhayan sa ikalawang hati ng taong ito.


Pinakinggan din ng liderato ng CPC ang mga palagay at mungkahi ng mga non-CPC personage tungkol sa kabuhayan.


Editor: Liu Kai