Patuloy na nakikilala ang Hulunbuir Tourist Train, na tumutungo sa damuhan at kagubatan ng Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia.
Hulunbuir Tourist Train
Dahil dito, paunahan sa pagbili ng tiket.
Nagsisimula sa lunsod Hulunbuir, Rehiyong Awtonomo ng Inner Mongolia, makikita at mararanasan sa biyaheng ito ang mga luntiang damuhan, latian (wetland), ilog, bundok, at Mohe County na binansagang “Chinese Arctic Village.”
Magtatapos ang linya sa lunsod Harbin ng probinsyang Heilongjiang, dakong Hilagangsilangan ng Tsina.
Damuhan ng Hulunbuir, Inner Monglia
Natutupad ng nasabing linya ang pangarap ng mga turista na makapunta sa pinaka-hilagang lugar ng Tsina.
Sa paglalakbay, mararamdaman ang kultura ng damuhan sa Inner Mongolia, malalaman ang sikreto ng pinakahuling nasyonalidad ng Tsina na nagsasanay ng Usa, makakapanood ng sine, makakapunta sa kapihan, madadalaw ang opisina ng koreo sa pinaka-hilagang lugar ng Tsina, at matitikman ang napakasarap na pagkain ng Hilagangsilangang Tsina.
Obo sa Damuhan ng Hulunbuir, Inner Mongolia
Estilo ng Buno sa Inner Mongolia
Pamilyang nagsasanay ng Usa sa Aoluguya Evenk Ethnic Township, lunsod Genhe, Hulunbuir, Inner Mongolia
Mohe County na binansagang “Chinese Arctic Village”
Saint Sophia Cathedral sa lunsod Harbin
Bukod pa riyan, napakaginhawang serbisyo ang ipinagkakaloob sa loob ng Hulunbuir Tourist Train na parang isang five-star hotel.
Ang Hulunbuir Tourist Train ay ang unang high-end tourist train ng Tsina.
Kasabay ng pagdadala ng bagong kasiglahan sa industriya ng daambakal, pinalalakas din ng naturang linya ang pag-unlad ng purok panturismo, likas na tanawin, at pag-unlad ng mga kompanyang panturismo sa nasabing mga lokalidad.
Salin: Lito
Pulido: Rhio