Pagdiriwang sa ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng PLA, dinaluhan ni Xi Jinping

2022-08-01 16:12:50  CMG
Share with:

 

Hulyo 31, 2022, Beijing - Idinaos ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina ang resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-95 anibersaryo ng pagkakatatag ng People’s Liberation Army (PLA).

 

Dumalo rito si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Sentral na Komisyong Militar; at iba pang mga lider ng partido at bansa.

 

Ipinahayag ni Wei Fenghe, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na ipinagkakaloob ng PLA nitong 95 taong nakaraan ang matatag na suporta sa pangangalaga sa soberanya, seguridad at pag-unlad ng bansa.

 

Ibinibigay rin aniya ng PLA ang mahalagang ambag sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng buong daigdig.

 

Upang makakatugon sa pangangailangan ng pambansang seguridad at pag-unlad, tinukoy niyang pabibilisin ang modernisasyon ng sistema ng tanggulang bansa at hukbong Tsino.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio