Pangkalahatang Kalihim ng UN: Bantang nuklear mas lumalaki ngayon

2022-08-02 16:15:52  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa 10th Review Conference of the Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT) na binuksan unang araw ng Agosto, 2022, sa New York, punong himpilan ng United Nations (UN), ipinahayag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng UN, na mas lumaki ang bantang nuklear na kinakaharap ng buong mundo ngayon.

 

Binigyan-diin niya ang kahalagahan ng NPT. Hinimok niya ang lahat ng signataryong panig na palakasin ang pagsunod sa nilalaman ng NPT, at umaasa siyang palalakasin ng iba’t ibang kinauukulang panig ang diyalogo at paggalang sa isa’t isa, para mapangalagaan ang kapayapaan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac