Wang Yi, dadalo sa mga pulong hinggil sa kooperasyon ng East Asia

2022-08-02 18:25:42  CMG
Share with:

Ipinatalastas ngayong araw, Agosto 2, 2022 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mula Agosto 3 hanggang 5, dadalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at ASEAN (10+1), pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (10+3), pulong ng mga ministrong panlabas ng East Asia Summit at pulong ng mga ministrong panlabas ng ASEAN Regional Forum na idaraos sa Phnom Penh, Kabisera ng Cambodia.


Sinabi pa ni Hua na sa paanyaya ni Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cambodia, isasagawa rin ni Wang ang pagdalaw sa Cambodia.


Salin: Ernest

Pulido: Mac