MFA: Tsina at mga bansang ASEAN, magkakasamang pangangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng SCS

2022-07-28 15:01:04  CMG
Share with:

Kaugnay ng papuna ng mga opisyal ng Amerika sa mga aksyon ng Tsina sa isyu ng South China Sea (SCS), ipinahayag nitong Miyerkules, Hulyo 27, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas (MFA) ng Tsina, na ang mga pananalita ng panig Amerikano ay maling pagpapakita ng katotohanan.


Sinabi ni Zhao na ang pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng SCS ay komong hangarin ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).


Sinabi pa ni Zhao na nakahanda ang Tsina na ibayo pang pahigpitin, kasama ng mga bansang ASEAN, ang kooperasyon para huwag payagan ang anumang aksyon na makapipinsala at magpapagulo sa rehiyong ito.


Bukod dito, ipinahayag ni Zhao na ang paglutas sa isyu ng SCS ay dapat hawakan mismo ng Tsina at mga kasangkot na bansa ng rehiyong ito.


Sinabi pa ni Zhao na patuloy at buong sikap na isasakatuparan ng Tsina ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC) at pasusulungin ang pagsasanggunian ng Code of Conduct (COC) sa SCS.


Salin: Ernest

Pulido: Mac