Muling idiniin nitong Lunes, Agosto 1, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na kung pupunta talaga si Nancy Pelosi, Ispikier ng Mababang Kapulungan ng Amerika, sa Taiwan, ito’y magdudulot ng napakalubhang resulta.
Tinukoy ni Zhao na sa kanilang pag-uusap sa telepono, ipinabatid ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang counterpart na si Joseph Biden ng Amerika ang matatag na determinasyon ng mahigit 1.4 bilyong Tsino sa pangangalaga sa kabuuan ng teritoryo at soberanya ng bansa.
Ani Zhao, naniniwala siyang lubos na nalaman ng panig Amerikano ang malakas at malinaw na impormasyon na inihatid ng panig Tsino.
Ipinahayag ni Zhao na handa na ang panig Tsino, lalo na ng hukbong Tsino, para gamitin ang malakas na katugong hakbangin para sa pagbisita ni Pelosi sa Taiwan. Layon nito aniya ay protektahan ang kabuuan ng sariling soberanya at teritoryo.
Bukod dito, inulit ni Zhao na ang prinsipyong isang Tsina ay ang pundamental na pundasyon ng katatagan at kapayapaan ng Taiwan Strait. Hinimok ni Zhao ang panig Amerikano na itigil ang paglabas ng mga di-responsibleng pananalita sa isyung ito at panunusol sa pagpapaigting ng tensyon ng kalagayan sa rehiyong ito.
Umaasa aniya siyang mapapanatili ang pagkakapareho ng mga pahayag at galaw ng panig Amerikano sa isyu ng Taiwan at huwag gamitin ng Amerika ang double standard sa isyung ito.
Salin: Ernest
Pulido : Mac