CMG Komentaryo: Panggugulo ng Amerika sa South China Sea, walang kabuluhan

2022-07-29 16:00:38  CMG
Share with:

Ipinadala nitong nakalipas na buwan ng Amerika ang mga pabor na pandigma sa South China Sea para gumawa ng probokasyon sa harap ng pinto ng Tsina, habang binabatikos ang mga sapilitang lehitimong aksyong pandepensa ng panig Tsino.

 

Bilang isang bansa sa labas ng rehiyon, ipinakikita ng Amerika ang puwersang militar sa South China Sea, sa katuwiran ng “kalayaan sa paglalayag,” pero sa katunayan, ang aksyong ito’y nagsilsilbing pinakamalaking tagapagtulak ng militarisasyon sa kasabing karagatan.

 

Ang South China Sea ay hindi “safari park” ng mga bansa sa labas ng rehiyon, at hindi dapat ito maging “fighting arena” ng kompetisyon ng malalaking bansa.

 

Kailangang malaman ng mga bansa sa rehiyon na ang Amerika ay siyang pinakamalaking banta sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea, maging ng buong Asya.

 

Ang kasalukuyang taon ay ika-20 anibersaryo ng pagkakalagda ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).

 

Nitong nakalipas na 20 taon, sinunod ng iba’t ibang panig ang mga alituntunin ng DOC, magkasamang pinangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng karagatang ito, at iginarantiya ang kalayaan at seguridad ng paglalayag sa karagatan.

 

Sa kasalukuyan, nasa kamay ng mga bansa sa rehiyon ang inisyatiba at pamumuno sa isyu ng South China Sea.

 

Walang saysay ang panggugulo ng Amerika sa rehiyong ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio