Sangsyon, isinagawa ng Tsina sa mga organong may-kaugnayan sa “pagsasarili ng Taiwan”

2022-08-03 16:12:55  CMG
Share with:

Sinabi ngayong araw, Agosto 3, 2022, ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga suliranin ng Taiwan, na tinatangkang sirain ng ilang organisasyong may-kaugnayan sa “pagsasarili ng Taiwan” na gaya ng “Taiwan Foundation for Democracy,” “International Cooperation and Development Fund,” at iba pa ang estruktura ng prinsipyong isang Tsina sa daigdig.

 


Bilang tugon, ipinasiya ng Chinese mainland na isagawa ang sangsyon sa naturang mga organisasyon, at ipagbawal ang pakikipagkooperasyon ng mga organisasyon, kompanya, at indibiduwal ng Chinese mainland sa kanila.

 

Ani Ma, isasagawa ang mga kailangang hakbangin, at paparusahan ang anumang organisasyon, kompanya, at indibiduwal ng Chinese mainland na mapapatunayang magkakaloob ng pondo at serbisyo sa naturang dalawang organisasyon.

 

Bukod pa riyan, ipagbabawal din aniya ang anumang kalakalan at kooperasyon sa pagitan ng mga oraganisasyon, kompanya at indibiduwal ng Chinese mainland at mga kompanya na konektado sa naturang organisasyon; at ipagbabawal ang pagpasok sa Chinese mainland ng mga kaukulang namamahalaang tauhan ng nasabing mga kompanya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio