Sinabi Agosto 2, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang prinsipyong isang Tsina ay komong palagay ng komunidad ng daigdig, pundasyong pulitikal para sa ugnayan ng Tsina sa ibang mga bansa, sentro ng mga pangunahing interes ng Tsina, at “red line” at “bottom line” na hindi dapat tawirin.
Dagdag ni Wang, ginagamit ng ilang tao sa Amerika ang usapin ng Taiwan para tuluy-tuloy na hamunin ang soberanya ng Tsina, at sinasadyang nililikha ang kaguluhan sa Taiwan Straits. Ang mga ito aniya ay hindi tatanggpin ng Tsina.
Editor: Liu Kai Pulido: Mac Ramos