Dahil sa pagbisita ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, sa Taiwan noong Agosto 2, 2022, bumaba ang stock market ng Amerika nang araw ring iyon.
Ang usapin ng Taiwan ay pinakamahalaga, pinakasensitibo, at pinakanukleong isyu sa relasyong Sino-Amerikano, kaya ang nasabing pagdalaw ay isang malubhang probokasyon sa Tsina at nakapinsala sa relasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang larangan.
Noong nagdaang Hunyo, ang Consumer Price Index (CPI) ng Amerika ay tumaas ng 9.1% kumpara sa gayunding panahon noong 2021 – ito ay naging bagong rekord nitong 41 taong nakalipas.
Dagdag pa riyan, ang Tsina ay ang pinakamalaking pinagmumulan ng mga inaangkat na produkto ng Amerika.
Noong unang 5 buwan ng kasalukuyang taon, ang bolyum ng pag-aangkat ng Amerika mula sa Tsina ay katumbas ng 16.7% ng kabuuang bolyum ng pag-aangkat ng bansa.
Bukod dito, ang relasyong Sino-Amerikano sa kabuhayan at kalakalan ay nagkakaloob ng halos 2.6 milyong pagkakataon ng hanap-buhay ng Amerika.
Samantala, mahigit 70 libong bahay-kalakal ng Amerika ay namumuhunan at nagsasa-operasyon sa Tsina.
Kaya ang probokasyon ni Pelosi sa Tsina ay humahadlang sa normal na kooperasyon ng dalawang bansa sa kabuhayan at kalakalan, at ito rin ay makakapinsala sa kapakanan ng Amerika at mga mamamayang Amerikano.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio