Phnom Penh, Kambodya—Sa kanyang pakikipagtagpo Miyerkules, Agosto 3, 2022 kay Wang Yi, dumadalaw na Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinagdiinan ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya ang paggigit ng kanyang bansa sa prinsipyong Isang Tsina, at pagkilala sa Taiwan bilang di-maihihiwalay na bahagi ng teritoryo ng Tsina.
Aniya, buong tatag na tinututulan ng Kambodya ang anumang pananalita at aksyong makakapinsala sa soberanya at kabuuan teritoryo ng Tsina, at patuloy na susuportahan ang pangangalaga ng Tsina sa sariling nukleong interes.
Pumapanig sa 1.4 bilyong mamamayang Tsino ang Kambodya, dagdag niya.
Hinangaan naman ni Wang Yi ang suporta ng panig Kambodyano.
Aniya, ang Tsina ay mapagkakatiwalaang partner at matibay na sandigan ng Kambodya, sa proseso ng pag-unlad at pag-ahon nito.
Inaasahan niyang walang humpay pang mapapataas ang komprehensibong kooperasyon ng dalawang bansa.
Nang araw ring iyon, kinatagpo rin si Wang ni Prak Sokhonn, Pangalawang Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Kambodya.
Salin: Vera
Pulido: Rhio