Mga bansa at organisasyong pandaigdig, suportado ang prinsipyong Isang Tsina

2022-08-04 16:48:51  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagdalaw ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika sa Taiwan, ipinahayag ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN), na iginigiit ng UN ang resolusyon sa prinsipyong Isang Tsina na pinagtibay mismo nito.

 

Dito aniya nakabase ang aksyon ng UN.

 

Si Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN)


Samantala, ipinahayag Agosto 3, 2022 ni Zhang Ming, Pangkalahatang Kalihim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na buong tatag niyang tinututulan ang pakikialam ng anumang puwersang panlabas sa mga suliraning panloob ng mga miyembro ng SCO.

 

Suportado aniya ng lahat ng miyembro ng SCO ang pangangalaga sa pagkakaisa, soberanya at kabuuan ng teritoryo ng isang bansa.

 

Patuloy na pinapasulong ng SCO ang pagpapalakas ng kooperasyon sa larangan ito para igarantiya ang kapayapaan, kaligtasan at katatagan ng rehiyon, aniya pa.

 

Samantala, ipinahayag din sa araw ring iyon ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya ang mariing pagtutol ng kanyang bansa sa anumang pananalita at aksyong sumsira sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.

 

Patuloy aniyang sinusuportahan ng Kambodya ang Tsina sa pangangalaga sa sariling kapakanan.

 

Kasamang nakatindig ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino ang Kambodya, diin pa niya.

 

Maliban diyan, kabilang sa mga bansang tutol sa pakikialam ng Amerika sa suliranin ng ibang bansa ay Cuba, Nicaragua, Serbia, Belarus, Zimbabwe, Eritrea, Congo (Brazzaville), Sudan, Myanmar, Thailand, South Sudan, Burundi at iba pa.

 

Inulit din ng naturang mga bansa ang kanilang pananangan sa prinsipyong isang Tsina.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio