Suporta sa patakarang isang Tsina, inulit ng ASEAN

2022-08-04 15:49:00  CMG
Share with:

Kaugnay ng pagbisita kamakailan sa Taiwan ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, inulit Miyerkules, Agosto 3, 2022 ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang suporta ng mga kasaping bansa nito sa patakarang isang Tsina.

 

Samantala, ayon sa hiwalay na pahayag Huwebes, Hulyo 4, 2022, nanawagan ang ASEAN para sa pagtitimpi sa pinakamataas na digri, huwag magsagawa ng probokatibong aksyon, at sundin ang mga prinsipyo ng Karta ng United Nations at Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio