Pagsasanay-militar sa paligid ng Isla ng Taiwan, sinimulan ng Tsina bilang tugon sa nakakatawang pagbisita ni Pelosi

2022-08-04 12:30:58  CMG
Share with:


Isang serye ng magkasanib na pagsasanay-militar sa dagat at himpapawid ang isinagawa Miyerkules, Agosto 3, 2022 People’s Liberation Army (PLA) ng Tsina sa paligid ng Isla ng Taiwan, bilang tugon sa probokatibong pagbisita ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika sa rehiyon ng Taiwan ng Tsina.

 

Ayon sa Eastern Theater Command ng PLA, ginanap ang mga pagsasanay sa rehiyong pandagat at panghimpapawid sa Hilaga, Timogkanluran, at Timogsilangan ng Isla ng Taiwan, at kasali rito ang Hukbong Pandagat, Hukbong Panghimpapawid, Puwersa ng Paglulunsad ng Rocket, Puwersa ng Suportang Pang-estratehiya, at Pinagsamang Puwersa ng Suportang Panlohistika.

 

Mula Agosto 4 hanggang 7, isasagawa ng PLA ang mga live-fire na pagsasanay sa 6 na magkakaibang sona sa paligid ng Isla ng Taiwan.

 

Para sa kaligtasan, ipinagbabawal ng PLA ang pagpasok ng anumang bapor at eroplano sa mga may-kinalamang rehiyong pandagat at panghimpapawid.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio