Anim na bansa, sumapi sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia

2022-08-04 12:49:02  CMG
Share with:

Sa panahon ng Ika-55 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), lumagda ang 6 na bansang kinabibilangan ng Denmark, Greece, Netherlands, Oman, Qatar at United Arab Emirates (UAE) sa kasunduan ng pagsapi sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia (TAC).

 

Layon ng TAC na pasulungin ang pangmatagalang kapayapaan, pagkakaibigan at kooperasyon ng iba’t ibang bansa sa rehiyon, para mapalakas ang kani-kanilang puwersa, pagkakaisa at ugnayan.

 

Sa kasalukuyan, pawang kasapi na rito ang lahat ng 10 bansang ASEAN, at iba pang bansang kinabibilangan ng Tsina.

 

Nilagdaan ang TAC sa unang ASEAN Summit noong 1976.

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio