Ika-55 pulong ng mga Ministrong Panlabas ng ASEAN, binuksan sa Phnom Penh

2022-08-03 15:36:29  CMG
Share with:


Phnom Penh, Kambodya—Sa ilalim ng temang “ASEAN: Magkasamang Pagharap sa Hamon,” pormal na nagbukas kaninang umaga, Agosto 3, 2022 ang Ika-55 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Tatalakayin dito ang hinggil sa pagpapalakas ng kooperasyong panrehiyon at iba pang mainit na paksa.

 

Samantala, sasaksihan ng mga kalahok na ministro at pangkalahatang kalihim ng ASEAN ang paglagda ng Denmark, Greece at ibang bansa sa Treaty of Amity and Cooperation in Southeast Asia (TAC), at dadalo rin sila sa seremonya ng pagbibigay-gantimpala ng ASEAN sa 2021.

 

Ang seremonya ng pagbubukas ay pinanguluhan ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio