Lantarang probokasyon at pagpustang pulitikal ng panig Amerikano, mariing tinututulan ng Tsina

2022-08-04 15:59:43  CMG
Share with:

Agosto 4, 2022, Phnom Penh, Kambodya – Sa panahon ng kanyang pagdalo sa serye ng mga pulong ng mga ministrong panlabas ng Kooperasyon ng Silangang Asya, inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina na dahil sa pagpunta ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika sa Taiwan, niyurakan ng panig Amerikano ang pandaigdigang batas, tumaliwas sa bilateral na pangako, pininsala ang kapayapaan ng Taiwan Strait, sinuportahan ang separatismo, at inudyukan ang komprontasyon.

 

Ito aniya ay lantarang probokasyon sa mga mamamayang Tsino at mga mamamayang nagnanais ng kapayapaan sa rehiyon.

 

Ang nasabing aksyon, dagdag ni Wang ay isa ring pagpustang pulitikal na tiyak na magbubunsod ng masamang epekto.

 

Pinatutunayan lamang aniya ng palabas ni Pelosi, na ang Amerika ang siyang pinakamalaking tagapag-sira sa kapayapaan ng Taiwan Strait, at pinakamalaking tagapag-likha ng kaguluhan sa rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio