Kaugnay ng pagpunta ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika sa Taiwan, inulit ng mga pamahalaan ng maraming bansa ang paggigiit sa prinsipyong isang Tsina, at pagtutol sa masamang aksyon ng panig Amerikano na yumurak sa pandaigdigang batas, at malubhang lumapastangan sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina.
Kabilang dito ay Sri Lanka, South Sudan, Commonwealth of Dominica, Tanzania, United Arab Emirates (UAE), Qatar, Democratic Republic of Sao Tome and Principe, Mozambique at iba pa.
Samantala, sa magkakaibang okasyon, inihayag ng mga iskolar at personahe ng mga bansang gaya ng Thailand, Kambodya, Pakistan, Nepal, Laos at iba pa ang pagkatig sa prinsipyong isang Tsina, sa pamamagitan ng magkakaibang paraan.
Pahayag ni Dhruba Paudel, Tagapangulo ng Sino-Nepal Media Society
Mariin nilang kinondena ang pagpunta ni Pelosi sa Taiwan ng Tsina, at ipinalalagay nilang ang aksyong ito ay kabaliktaran ng pangako ng panig Amerikano sa Tsina, nakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa, at nakakapinsala sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon.
Salin: Vera
Pulido: Mac