Pilipinas, sumusunod sa patakarang isang Tsina

2022-08-05 10:39:20  CMG
Share with:

Sumusunod ang Pilipinas sa patakarang isang Tsina, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inilabas nitong Huwebes, Agosto 4, 2022.


Kaugnay ng kasalukuyang kalagayan sa Taiwan Straits, pagkaraan ng pagbisita ni Nancy Pelosi, Ispiker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika, sa rehiyon ng Taiwan ng Tsina, mula Agosto 2 hanggang 3, ipinahayag ng DFA ang pagkabahala sa pag-igting ng tensyon sa lugar na ito na malapit sa Pilipinas.


Nanawagan anito ang Pilipinas sa mga may kinalamang panig sa usapin ng Taiwan na panatilihin ang pagtitimpi at diyalogo.


Bukod dito, ipinahayag naman ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles ng Pilipinas na hindi nagbabago ang paninindigan ng pamahalaan sa prinsipyong isang Tsina.


Salin: Ernest

Pulido: Mac