Mula Hulyo 25 hanggang 26 ng taong ito, dumalaw sa Tsina si Pangulong Joko Widodo ng Indonesya. Siya rin ang unang dayuhang lider na dumalaw sa Tsina pagkatapos ng 2022 Beijing Winter Olympic Games.
Sa kanyang pananatili sa Tsina, ipinasiya ng dalawang bansa ang magkasamang konstruksyon ng “community of a shared future.” Ito ay magiging direksyon ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa sa hinaharap.
Bukod dito, nagkasundo ang dalawang bansa sa kooperasyon hinggil sa “Belt and Road” Initiative, magkasamang pananaliksik sa mga bakuna, green development, cyber security at mga isyung pandagat.
Sa pagtatagpo ng mga lider ng dalawang bansa, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na buong sikap na lalahok ang panig Tsino sa anumang gawain kung makakabuti sa relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi pa ni Pangulong Xi na kinakatigan ng Tsina ang pagdaraos ng G20 Summit sa Bali Island ng Indonesya. Nakahanda aniya ang panig Tsino na pasulungin ang pakikipagkooerasyon sa Indonesia sa mga larangan na gaya ng imprastruktura, pamumuhunan, bakuna, kalusugan at teknolohiya.
Binigyan naman ng lubos na papuri ni Pangulong Widodo ang pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa.
Salin: Ernest
Pulido: Mac