Tsina, ikinababahala ang pagtatapon ng Hapon ng treated nuclear contaminated water sa dagat

2022-08-09 15:02:31  CMG
Share with:

 

Sa 10th Review Conference of the Parties to the Treaty on the Non-Proliferation of Nuclear Weapons (NPT), ipinahayag nitong Lunes, Agosto 8, 2022 ni Li Song, Embahador Tsino sa Suliranin ng Disarmamento, ang lubos na pagkabahala sa isyu ng pagtatapon ng Hapon ng treated nuclear contaminated water sa dagat.


Sinabi ni Li na ang pagtatapon ng treated nuclear contaminated water ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant sa dagat ay unilateral na kapasiyahan ng Pamahalaang Hapones.


Sinabi pa niyang bago itapon sa dagat ang treated nuclear contaminated water, hindi ginamit ng panig Hapones ang sapat na hakbangin para mapigilan ang epekto ng nuclear waste water sa kapaligiran.


Nanawagan si Li sa komunidad ng daigdig na lubos na pahalagahan ang nakatagong banta sa kapaligirang ekolohikal ng dagat, seguridad ng pagkain at kalusugan ng sangkatauhan na dulot ng treated nuclear contaminated water ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant.


Sinabi ni Li na iniharap ng International Atomic Energy Agency (IAEA) ang mga mungkahi ng pagwawasto sa plano ng Hapon sa pagtatapon ng nuclear waste water sa dagat, pero hindi ginamit ng Hapon ang mga mungkahi ng IAEA.


Idiniin ni Li na dapat itigil ng Hapon ang kasalukuyang plano ng pagtatapon ng treated nuclear contaminated water sa dagat at tanggapin ang pagsusuperbisa ng IAEA.


Salin: Ernest

Pulido: Mac