Tsina: Dapat samantalahin ng Amerika ang pagkakataon para marating ang mga kasunduan hinggil sa isyung nuklear ng Iran

2022-08-09 14:57:58  CMG
Share with:

Kamakailan sa Vienna, Austria, muling nagsimula ang talastasan ng Amerika at Iran hinggil sa pagpapanumbalik ng pagsasakatuparan ng komprehensibong kasunduan sa isyung nuklear ng Iran.


Kaugnay nito, ipinahayag nitong Lunes, Agosto 8, 2022 ni Wang Qun, Negosyador ng Tsina at Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN sa Vienna, ang pag-asang sasamantalahin ng Amerika ang pagkakataon at agarang isasagawa ang kapasiyahan para marating ang kasunduan ng talastasang ito sa lalong madaling panahon.


Ipinahayag ni Wang na ang pagpapanumbalik ng talastasan sa pagitan ng Amerika at Iran ay nagpapakitang ang diyalogo at talastasan ay tama at tanging landas sa paglutas ng mga pagkakaiba.


Tinukoy ni Wang na nauna rito, ipinatalastas nang maraming beses ng Amerika ang pagpapahigpit ng sangsyon sa Iran. Ito aniya ay hindi nakakatulong sa pag-usad ng talastasan sa halip ng pagpapaigting ng tensyon sa isyung nuklear ng Iran.


Hinimok ni Wang ang Amerika na alisin ang double standard sa isyu ng pagpigil sa pagpapalaganap ng sandatang nuklear at pagsasapulitika ng isyung nuklear ng Iran.


Salin: Ernest

Pulido: Mac