Amerika, may tatlong kamalian sa usapin ng Taiwan – Wang Yi

2022-08-08 15:16:33  CMG
Share with:

 

Sa kanyang pananatili sa Bangladesh, ipinahayag Agosto 7, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na may tatlong kamalian ang Amerika hinggil sa pagbisita sa rehiyong Taiwan ng Tsina ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika.

 

Aniya, sa kabila ng pagtutol ng panig Tsino, buong tigas na isinagawa ni Pelosi ang pagpunta sa Taiwan.

 

Ani Wang, ang tatlong mga kamailan ay una, ito ay malubhang pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina; ikalawa, nakipagsabwatan at kumatig ang Amerika sa mga puwersang nagnanais ng “pagsasarili ng Taiwan;” at ikatlo, sinasadyang pinsalain ng Amerika ang kapayapaan ng Taiwan Straits.

 

Ipinahayag ni Wang na ang paninindigan at mga katugong hakbangin ng Tsina ay lehitimo, makatuwiran, kinakailangan at bukas.

 

Ang layon aniya ng mga ito na pangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa at kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits.

 

Samantala, pinasalamatan ni Wang ang pag-unawa at pagkatig ng ibang mga bansa sa paninindigang Tsino.

 

Nanawagan din siya sa komunidad ng daigdig na magkakasamang pangalagaan ang pundamental na prinsipyo ng relasyong pandaigdig at pandaigdigang batas, at lehitimong kapakanan at karapatan ng mga umuunlad na bansa.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio