Prinsipyong isang Tsina, hindi mapag-aalinlanganan

2022-08-09 16:57:17  CMG
Share with:

Kaugnay ng magkakasamang pahayag na may kinalaman sa “patakarang isang Tsina” na isinapubliko kamakailan ng mga Ministrong Panlabas ng Amerika, Australia at Hapon, ipinahayag nitong Agosto 8, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang kahulugan ng prinsipyong isang Tsina ay malinaw at maliwanag, at ang pagpapatupad ng prinsipyong ito ay walang pasubali at hindi mapag-aalinlanganan.

 


Ang prinsipyong isang Tsino ay komong palagay ng komunidad ng daigdig, ito rin ang pundamental na prinsipyo ng relasyon pangdaigdig, at kinumpirma ito sa United Nations General Assembly Resolution 2758, sinabi ni Wang.

 

Idinagdag ng ilang bansa ang paunang kondisyon at probisyon sa prinsipyong isang Tsina para tangkaing baluktutin ang prinsipyong ito. Ilegal at walang bisa ang aksyong ito, at buong tatag na tinututulan ito ng Tsina, saad ni Wang.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac