Amerika at puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan,” bumabago ng status quo ng Taiwan Straits — Tsina

2022-08-10 17:01:41  CMG
Share with:

Kaugnay ng pahayag ni Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika, na may kinalaman sa Taiwan, ipinahayag nitong Agosto 9, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Amerika at ang puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan ay magkasamang sumisira sa prinsipyong isang Tsina at bumabago ng status quo ng Taiwan Straits.


 

Sinabi pa niyang, lumalabag ang Amerika sa nagawa nitong pangako sa Tatlong Magkasanib na Komunike ng Tsina at Amerika. Nitong ilang taong nakalipas, nagiging mas hayag ang mga hakbang ng Amerika na pinalalabo, inaalis, at binabaluktot ang prinsipyong isang Tsina, dagdag pa niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac