Idiniin kahapon ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na siguradong isasagawa ng panig Tsino ang ganting-dagok kung isasagawa ng Amerika ang probokasyon na makakapinsala sa soberanya at makikialam sa suliraning panloob ng Tsina.
Ipinahayag ni Wang na ang katatapos na pagbisita sa Taiwan ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika ay isang malubhang probokasyong pulitikal sa Tsina.
Aniya pa, ang nasabing pagbisita ay labag sa pangako ng Amerika sa magksanib na komunite hinggil sa pagtatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika.
Saad ni Wang, labag din ito sa prinsipyong isang Tsina na kinilala ng resolusyon bilang 2758 ng Asembleya ng United Nations (UN) at prinsipyo ng Karta ng UN hinggil sa hindi pakikialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.
Ang mga puna ng Amerika sa Tsina kaugnay ng isyu ng Taiwan ay walang katibayan at hinding hindi tatanggapin ng Tsina at komunidad ng daigdig, ani Wang.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio