Inilabas ngayong Miyerkules, Agosto 10, 2022 ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa mga Suliranin ng Taiwan ang pahayag kaugnay ng white paper hinggil sa usapin ng Taiwan at reunipikasyon ng Tsina sa bagong panahon.
Anang pahayag, magkahiwalay na inilabas ng pamahalaang Tsino ang white paper hinggil sa usapin ng Taiwan at reunipikasyon ng Tsina noong Agosto, 1993 at white paper hinggil sa prinsipyong isang Tsina at usapin ng Taiwan noong Pebrero, 2000.
Komprehensibo’t sistematikong inilahad ng nasabing dalawang dokumento ang pundamental na prinsipyo at kaukulang patakaran sa pagresolba sa usapin ng Taiwan.
Anang pahayag, sa ilalim ng kasalukuyang masalimuot na kalagayang pandaigdig at kalagayan ng Taiwan, inilabas ngayong araw ng Tanggapan ng Konseho ng Estado sa mga Suliranin ng Taiwan at Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper hinggil sa usapin ng Taiwan at reunipikasyon ng Tsina sa bagong panahon.
Anito, ang bagong inilabas na dokumento ay makakabuti sa pagbubunyag ng pakikipagsabwatan ng puwersang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan” sa puwersang panlabas, at kani-kanilang masamang pananalita at kilos na nagtatangkang sirain ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina, at hadlangan ang proseso ng reunipikasyon ng bansa.
Ipinakikita rin ng dokumento na buong tatag ang determinasyon at kasing tibay ng bato ang mithiin ng mga mamamayang Tsino sa pagtatanggol ng soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Anang pahayag, ipinamamalas din ng white paper ang paninindigan at pakikitungo ng CPC at pamahalaang Tsino na nakahandang kamtin ang mapayapang reunipikasyon sa abot ng makakaya, batay sa pinakamasidhing katapatan, at buong sikap na matamo ang pag-uunawaan at pagsuporta ng mga kababayan ng magkabilang pampang ng Taiwan Strait, lalong lalo na, mga kababayang Taiwanes, at komunidad ng daigdig.
Pag-asa ng naturang pahayag na susundin ng komunidad ng daigdig at lahat ng mga bansang may relasyong diplomatiko sa Tsina ang prinsipyong isang Tsina, maayos na hahawakan ang mga isyung may kinalaman sa Taiwan, at mauunawaan ang makatarungang paninindigan ng mga mamamayang Tsino sa pagtutol sa tangkang pagkakawatak ng puwersang nagsusulong ng “pagsasarili ng Taiwan,” at paghangad ng reunipikasyon ng inang bayan.
Salin: Vera
Pulido: Mac