Op-Ed: Taiwan, nawawalang bata ng maraming taon, tiyak na makauuwi

2022-08-11 10:12:52  CRI
Share with:


Kamakaila’y naging viral sa iba’t-ibang social media platforms ng Tsina ang paksang“makikita sa mapa ang bawat kalsada ng rehiyong Taiwan ng bansa.”


Kalsadang Liuzhou sa rehiyong Taiwan


Sa mga map apps ay malinaw na nakikita ang mapa ng rehiyong Taiwan. Natuklasan ng mga Chinese netizens na kapangalan ng mga lunsod ng Chinese mainland ang napakaraming kalsada ng Taiwan. Partikular na sa lunsod Taipei, natuklasan ang mga kalsada nitong tinatawag na kalsadang Tibet, kalsadang Dali, kalsadang Ningxia, kalsadang Changchun, at iba pa.


Kalsadang Ningxia sa rehiyong Taiwan


“Nananatiling Taiwan ang minamahal nating Taiwan, ang puwersang naninindigan sa‘pagsasarili ng Taiwan’lang ang kasuklam-suklam.” Ito ang magkakasunod na inihayag ng mga Chinese netizens tungkol dito.


Kalsadang Jinzhou sa rehiyong Taiwan


Sinabi rin ng mga netizens na“sabik na sabik ang mga matatandang kababayang Taiwanes sa pag-balik sa lupang-tinubuan sa mainland.”


Bilang isang taga-Zhengzhou mula probinsyang Henan ng Tsina, habang nakikita ko ang“Parkeng Henan”at“kalsadang Zhengzhou”sa rehiyong Taiwan, nakaramdam ako ng lubos na pagkagiliw.


 

Kalsadang Zhengzhou sa rehiyong Taiwan


Noong taong 1945, makaraang matalo at sumuko ang Hapon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig (WWII), isinauli nito ang Taiwan sa Tsina, na nagpakita ng pagtatapos ng paghaharing koloniyal ng Hapon sa Taiwan. Ngunit matapos ang ilampung taong paghaharing koloniyal ng Hapon, naiwan ang malalim na markang koloniyal sa iba’t-ibang lugar ng Taiwan.


Upang mapawi ang impluwensyang koloniyal, mapataas ang kultural na identidad ng Taiwan, at mapalakas ang pinagsamang diwa ng Nasyong Tsino, ipinasiya ng Tsina na baguhin ang pangalan ng mga kalsada ng Taiwan sa pangalang Tsino mula pangalang Hapones.

Kalsadang Kunming sa rehiyong Taiwan


Ang tagadisenyong si Zheng Dingbang ang namahala sa misyong ito. Ayon sa paraan ng pagbibigay ng pangalan ng mga kalsada sa Shanghai, binigyan niya ng bagong pangalan ang mga kalsada at lugar ng Taiwan gamit ang pangalan ng mga probinsya at lunsod ng Chinese mainland.


Napakalalim ng pangungulila ng mga matatandang kababayang Taiwanes sa mainland, at napakalalim din ng kanilang pagmamahal sa bansa.

Si Yu Guangzhong, bantog na manunulat at manunula ng Taiwan


Matapos pumanaw ang kanyang ina, nilikha ni Yu Guangzhong, bantog na manunulat at manunula ng Taiwan, ang tulang may pamagat na“Pangungulila sa Inang Bayan”para ipahayag ang kanyang kaisipan sa kamag-anakan, pananabik sa pagtitipun-tipon ng pamilya, at pananabik sa reunipikasyon ng inang bayan.


Narito ang tulang ito:


“Noong bata pa ako, ang pangungulila ay tila isang selyo ng sulat.

Nandito ako, at naroon ang ina ko.


Nang lumaki ako, ang pangungulila ay naging isang maliit na tiket ng bapor.

Nandito ako, at naroon ang nobya ko.


Pagkatapos, ang pangungulila ay naging isang maliit na puntod.

Nasa labas ako, nasa loob naman ang ina ko.


Ngayon, ang pangungulila ay naging isang mababaw na kipot ng dagat

Nandito ako, nasa ibang panig ang mainland.”



Inilabas nitong Agosto 7 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang isang Tweet na nakatawag ng malaking pansin.


Sabi niya,“Sa mula’t mula pa’y ang Taiwan ay isang bahagi ng Tsina. Tiyak na uuwi ang nawawalang bata nitong maraming taon.”


Di puwedeng labagin ang mithiin ng mga mamamayang Tsino, at di puwedeng baguhin ang pangkalahatang tunguhin.


Ang reunipikasyon ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits ay komong hangarin ng lahat ng mamamayang Tsino.


Kalsadang Changsha sa rehiyong Taiwan


“Ang bawat kalsada ng Taiwan ay magiging daan patungo sa lupang tinubuan; walang anumang paghina ng galimgim sa lupang tinubuan; kung pagsasamahin ang magkabilang pampang, saka lamang magkaroon ng kompletong Nasyong Tsino, at magiging kompletong malaking pamilya,”ganito ang sinabi ng isang Chinese netizen.


May-akda/Salin: Lito

Pulido: Mac/Jade