5G ng Tsina, pumasok na sa “virtuous cycle” ng paggamit na komersyal

2022-08-11 16:40:16  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Co-creating a New 5G Ecosystem for Mutual Benefits,” binuksan Agosto 10, 2022, sa Harbin, punong lunsod ng lalawigang Heilongjiang sa dakong Hilangangsilangan ng Tsina, ang 2022 World 5G Convention.

 

Nitong ilang taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng teknolohiya ng 5G telecommunication network sa Tsina, at ayon kay Zhang Yunming, Pangalawang Ministro ng Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon (MIIT) ng Tsina, lampas na sa 1.85 milyon ang bilang ng mga 5G base station sa buong bansa, at umabot naman sa 455 milyon ang mga gumagamit ng 5G mobile phone.

 


Ang naturang dalawang bilang aniya ay bumubuo sa mahigit 60% ng kabuuang datos sa buong mundo.

 

Samantala, inihayag naman ng MIIT, na magsisikap ang Tsina para madagdagan ng 600 libo ang 5G base station sa bansa sa taong 2022, para pabilisin ang pag-u-upgrade ng industrial Internet.

 

Pagkaraan ng tatlong taong konstruksyon, pumasok na sa lebel ng “virtuous cycle” ang paggamit na komersyal ng industriya ng 5G ng Tsina, na sumasagisag sa pagtahak nito sa landas ng matatag na pag-unlad sa aplikasyon ng inobasyon, at paglikha ng ekolohiyang pang-industriya.


Salin:Sarah

Pulido:Rhio