Op-Ed: Ang kapayapaan ng SCS, dapat nasa kamay ng Tsina at ASEAN

2022-08-12 16:55:07  CMG
Share with:

Ngayong taon ay ika-20 anibersaryo ng pagpirma ng Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC).


Ang DOC na nilagdaan noong Nobyembre ng taong 2002 ay isang mahalagang dokumento para sa magkasamang pangangalaga sa kapayapaan ng SCS at pagpapasulong ng kooperasyong pandagat ng mga bansa sa rehiyon.


Ang DOC ay itinakda batay sa pundasyon ng mga pandaigdigang batas na gaya ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Bukod dito, ang deklarasyong ito ay nagtitipun-tipon ng mga pagkabahala at komong palagay ng Tsina at mga bansang ASEAN. Kabilang sa deklarasyon din ay mga mungkahi at tadhana hinggil sa maayos na paglutas sa mga hidwaan at mapayapang paggamit ng yaman ng SCS.


Ipinangako ng DOC na igarantiya ang kalayaan ng paglalayag at paglipad sa SCS batay sa prinsipyo at tadhana ng mga pandaigdigang batas na gaya ng UNCLOS.


Kaugnay ng paglutas ng mga hidwaan, ipinangako ng DOC na sa pundasyon ng prinsipyo ng mga pandaigdigang batas, dapat mapayapang lutasin ang mga hidwaan sa pamamagitan ng direktang mapagkaibigang pagsasanggunian at talastasan ng mga kasangkot na soberanong bansa.


Ang kapayapaan at katatagan ng SCS ay angkop sa kapakanan sa lahat ng mga bansa sa paligid nito. Ang naturang mga tadhana ng DOC ay nagpapakitang kapwang inilagay ng Tsina at ASEAN ang mga hidwaan sa ilalim ng balangkas ng pagsasanggunian at pagkontrol.


Kaya sapul nang lagdaan ang DOC noong 2002, nananatiling matatag at mapayapa ang pangkalahatang kalagayan ng SCS. Kaugnay ng paglutas ng mga hidwaan sa pagitan ng mga kasangkot na bansa sa isyu ng SCS, kung hahawakan nila batay sa prinsipyo ng DOC, hindi ito makakapinsala sa katatagan ng rehiyong ito at kanilang bilateral na relasyon.


Ito rin ay nagpapakitang may kakayahan ang Tsina at mga bansang ASEAN sa maayos na pagkontrol at paghawak ng mga hidwaan sa pamamagitan ng direkta at bilateral na pagsasanggunian at talastasan.


Noong taong 2017, itinatag ng Tsina at Pilipinas ang Bilateral Consultation Mechanism (BCM) tungkol sa isyu ng South China Sea na naglalayong talakayin ang pagkakaroon ng pagtitiwalaan at pagpapasulong ng seguridad at kooperasyon ng dalawang panig sa dagat.


Anim (6) na pulong ang naidaos na sa ilalim ng mekanismong ito. Bunga nito, nagkaroon ang dalawang bansa ng mahalagang milestones sa pagtatatag ng kumpiyansa at pagpapatupad ng praktikal na kooperasyong pandagat, na gaya ng paghahahap at pagliligtas, pangingisda, at pangangalaga at pananaliksik sa ekolohiyang pandagat.


Sa isang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagkakalagda ng DOC na idinaos nitong nagdaang Hulyo sa Beijing, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na nitong 20 taong nakaraan, ginamit ng Tsina at mga bansang ASEAN ang SCS bilang komong tahanan ng dalawang panig, iginiit ang paglutas ng mga hidwaang pandagat sa pamamagitan ng direktang pagsasanggunian at talastasan ng mga kasangkot na bansa, at iginiit ang magkasamang pangangalaga ng Tsina at mga bansang ASEAN sa katatagan at kapayapaan ng SCS.


Ang sinasabi ni Wang ay naglagom ng karanasan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng SCS sapul nang ilagda ang DOC.


Samantala, iniharap ng DOC ang mga mungkahi hinggil sa pagsasagawa ng Tsina at mga bansang ASEAN ng mga kooperasyon sa kalagayan ng pagtabi ng mga hidwaan.


Sapul nang lagdaan ang DOC, isinagawa ng Tsina at mga bansang ASEAN ang regular na pagpupulong sa iba’t ibang antas. Itinatag ng dalawang panig ang hotline upang makatugon sa pangkagipitang pangyayari sa dagat. Isinagawa rin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang mga proyekto ng kooperasyon hinggil sa siyentipikong pananaliksik na pandagat, pangangalaga sa kapaligirang pandagat, at gawaing panaklolo sa dagat. Itinatag din ng Tsina ang pundasyon para katigan ang naturang mga proyekto.


Ang nabanggit na mga kooperasyon ay nakakatulong sa pagpapaliit ng hidwaan sa pagitan ng mga may kinalamang bansa sa isyu ng SCS at pagpapalakas ng pagtitiwalaan sa isa’t isa. Ito rin ay nagpapatunay na may kakayahan ang Tsina at mga bansang ASEAN sa magkasamang pagpapasulong sa kapayapaan at kaunlaran ng SCS.


Sa kasalukuyan, isinasagawa ng Tsina at mga bansang ASEAN ang pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct (COC) sa SCS. Samantala, ang bansa sa labas ng rehiyon ng SCS na gaya ng Amerika at Hapon ay madalas na nakikialam sa isyu ng SCS at pinapaigting ang tensyon sa kalagayan ng rehiyong ito, lalo na ang pagbabantang militar. Layon nito ay hadlangan ang pagsasanggunian ng COC at sirain ang katatagan at kapayapaan ng SCS.


Ang kapayapaan at katatagan ng SCS nitong 20 taong nakalipas ay bunga ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at mga bansang ASEAN. Ito rin ay nagpapatunay na may kakayahan at determinasyon ang dalawang panig sa maayos na pagkontrol sa mga hidwaan at pagsasagawa ng aktuwal na kooperasyon.


Tulad ng nabanggit ni Wang, ang SCS ay komong tahanan ng Tsina at ASEAN. Kaya dapat magkasamang pangalagaan ng Tsina at mga bansang ASEAN ang katatagan at kapayapaan ng SCS.


Ang kapayapaan at magkasamang paggagalugad ng SCS ay dapat nasa kamay ng Tsina at ASEAN.


Sulat: Ernest

Pulido: Mac/Jade