Pinakahuling pahayag ni Pelosi tungkol sa Taiwan, nilabag nanaman ang prinsipyong isang Tsina

2022-08-13 14:51:58  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Agosto 12, 2022, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagtawag ni Ispiker Nancy Pelosi ng Mababang Kapulungan ng Amerika sa Taiwan bilang “bansa” sa preskon kaugnay ng kanyang katatapos na biyahe sa Asya, ay malubhang probokasyong pulitikal na lumalabag sa prinsipyong isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, at ibayo pa itong nagpapatunay na ang pagbisita ni Pelosi sa rehiyon ng Taiwan ng Tsina ay pakikipagsabwatan at pagbibigay-suporta sa separatistang pwersa ng “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Dagdag ni Wang, salungat sa pahayag ni Pelosi, ang kanyang pagbisita sa Taiwan ay walang kinalaman sa demokrasya, kundi pulitikal na palabas na nangingibabaw ang makasariling kapakanan ng Amerika sa pandaigdigang katarungan.

 

Tinukoy din niyang, kung tunay na bibigyang-pansin ni Pelosi ang demokrasya, dapat siyang pumunta sa Afghanistan, Iraq, Syria, at Libya, para ipahayag ang pagsisisi sa daan-daang libong inosenteng sibilyan na pinatay ng sundalong Amerikano.


Editor: Liu Kai

Pulido: Mac Ramos