Wang Yi: Alerto, dapat panatilihin kaugnay ng mga mapanganib na pagbabago sa Taiwan Strait

2022-08-11 15:43:36  CMG
Share with:

 

Sa kanyang magkahiwalay na pakikipagtagpo sa mga ministrong panlabas ng Mongolia, Timog Korea, at Nepal, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na dapat panatihilin ang alerto sa tatlong mapanganib na pagbabago sa kalagayan ng Taiwan Strait.

 

Aniya, kailangang maging mapagmatyag sa pagdaragdag at pagde-deploy ng puwersang militar ng Amerika sa rehiyong Indo-Pasipiko para mapaigting ang tensyong panrehiyon at lumikha ng bago at mas malalang krisis.

 

Hinimok din ni Wang ang mga puwersa sa Taiwan na dapat itakwil ang mga plano at aksyong naglalayong paghiwalayin ang Taiwan at Tsina.

 

Hiniling din niya sa mga pulitiko ng ilang bansa na huwag isagawa ang mga pulitikal na palabas sa isyu ng Taiwan, na tulad ng ginawa ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Amerika.

 

Idiniin ni Wang na ang naturang aksyon ay malubhang makakapinsala sa pundasyon ng pagpapalagayang pulitikal ng Tsina at Amerika, sisira sa katayuan ng Karta ng United Nations (UN), at magbabale-wala sa sistemang pandaigdig na itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio