CMG, ipapalabas ang kahanga-hangang Mid-Autumn Festival Gala

2022-08-13 14:57:51  CMG
Share with:

 

Gagawin ng China Media Group (CMG) ang isang kahanga-hangang gala para sa Mid-Autumn Festival sa taong ito, na may makukulay na palabas at maunlad na audio-visual technology.

 

Ang gala ay idaraos sa Zhangjiagang, lunsod ng lalawigang Jiangsu sa silangan ng Tsina.

 

Bukod sa tradisyonal na temang may kinalaman sa Mid-Autumn Festival, magtatampok din ang gala sa masaganang kulturang lokal ng Jiangsu.

 

Ang gala ay ipapalabas sa mga manonood sa iba’t ibang lugar ng daigdig, ika-8 ng gabi sa araw ng Mid-Autumn Festival, sa darating na Setyembre 10, sa pamamagitan ng mga TV channels at radio frequencies ng CMG, at mga overseas social media platform.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos