Xi Jinping, nanawagan para sa pagbuo ng global development partnership

2022-08-13 14:50:29  CMG
Share with:

Sa mensaheng pambati sa International Civil Society Solidarity Conference on the Global Development Initiative na idinaos kahapon, Agosto 12, 2022, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa komunidad ng daigdig, na ipunin ang malawak na komong palagay sa pagtataguyod ng pag-unlad, lumikha ng paborableng kapaligirang pandaigdig para sa pag-unlad, magbigay ng bagong lakas para sa pag-unlad, at magkakasamang bumuo ng global development partnership.

 

Sinabi ni Xi, na sa harap ng mga kahirapan at hamon sa kabuhayan at kaunlaran, kailangang palakasin ng lahat ng mga panig ang paglaban sa pandemiya, ibuhos ang pagsisikap sa pagtataguyod sa pag-unlad, at masigasig na ipatupad ang United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development. Sa gayon aniya, magiging mas mabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa, at mas maganda ang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Umaasa rin aniya siyang tutulong ang mga international civil societies sa pagbuo ng mas matatag na opinyong publiko at pagkakaloob ng mas malakas na suporta ng mga tao, para matiyak ang pagpapatupad ng Global Development Initiative.

 

Nakahanda ang Tsina, kasama ng lahat ng mga panig, na pabilisin ang 2030 Agenda at ibigay ang mas malaking ambag para sa magkakasamang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan at paglikha ng bagong panahon ng kasaganaan at kaunlaran, dagdag ni Xi.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos