Sa kanyang talumpati sa Moscow Conference on International Security nitong Agosto 16, 2022, ipinahayag ni Pangulong Vladmir Putin ng Rusya na ang pagbisita ni Nancy Pelosi, Tagapagsalita ng Mababang Kapulungan ng Amerika, sa Taiwan, ay isang pinaplanong probokasyon. Ito aniya ang bahagi ng plano ng Amerika na sumira ng katatagan ng rehiyong ito at buong daigdig, at pakana nitong lumikha ng kaguluhan, at lubos na ipinakita nito ang kabastusan ng Amerika na di-igalang ang soberanya ng ibang bansa at walang anumang responsibilidad na pandaigdig.
Kaugnay nito, ipinahayag Agosto 17, 2022, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pananalita ni Pangulong Putin ay nagpakita ng estratehikong koordinasyon ng Tsina at Rusya sa mataas na antas, at pagsuporta ng dalawang bansa sa isa’t isa sa mga isyung may kinalaman sa kani-kanilang nukleong kapakanan.
Tinukoy din ni Wang na kaugnay ng pagbisita ni Pelosi sa Taiwan, inulit ng mahigit 170 bansa na nananangan sa prinsipyong isang Tsina, at sinusuportahan ang Tsina na mapangalagaan ang soberanya at kabuuan ng teritoryo ng bansa.
Nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng komunidad ng daigdig, para magkakasamang ipagtanggol ang mga prinsipyo ng Karte ng United Nations (UN) at pangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito at buong daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Frank