Wang Yi: Dapat pahigpitin ng Tsina at Aprika ang kooperasyon para itatag ang China-Africa community with shared future

2022-08-19 14:27:29  CMG
Share with:

Pinanguluhan nitong Huwebes, Agsoto 18, 2022 sa Beijing via video link ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang Coordinators' Meeting on the Implementation of the Follow-up Actions of the Eighth Ministerial Conference of the Forum on the China-Africa Cooperation (FOCAC)


Sinabi ni Wang na sapul nang idaos ang ika-8 pulong na ministerial ng FOCAC noong Nobyembre ng taong 2021 sa Dakar, Senegal, maayos at mainam na ipinapatupad ang mga bunga ng pulong na ito.


Sinabi rin niyang dapat pahigpitin ng Tsina at Aprika ang relasyon at kooperasyon para itatag ang China-Africa community with shared future sa bagong panahon.


Positibo ang naging pagtasa ng mga kalahok na kinatawan ng Aprika sa mga gawain ng Tsina para isakatuparan ang bunga ng ika-8 pulong na ministerial ng FOCAC.


Pinagtibay sa Coordinators' Meeting ang isang magkasanib na pahayag.


Salin: Ernest

Pulido: Mac