Tsina, pinahahalagahan ang kooperasyong agrikultural sa Aprika

2022-08-17 15:52:56  CMG
Share with:

Sinabi nitong Martes, Agosto 16, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na pinahahalagahan ng pamahalaang Tsino ang pakikipagkooperasyong agrikultural sa Aprika, at aktibong pinapasulong ang pag-aangkat ng produktong agrikultural mula sa Aprika.

 

Sapul nang idaos ang 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation, naisakatuparan ang market access ng 25 uri ng produkto’t pagkaing agrikultural mula sa 14 na bansang Aprikano na kinabibilangan ng Kenya, Timog Aprika, Benin at Ehipto.

 

Dagdag ni Wang, ang Tsina ay ika-2 pinakamalaking destinasyon ng pagluluwas ng mga produktong agrikultural ng Aprika, at umabot sa 11.5% ang karaniwang bahagdan ng paglaki ng pagluluwas ng produktong agrikultural ng Aprika sa Tsina nitong nakalipas na ilang taon.

 

Noong 2021, lumaki ng 18.23% ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng produktong agrikultural ng Aprika sa Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Isinalaysay ni Wang na sa Ika-8 Pulong na Ministeriyal ng Forum on China-Africa Cooperation nitong nagdaang Nobyembre, inanunsyo ng panig Tsino ang pagbubukas ng “berdeng tsanel” para sa pagpasok ng mas maraming de-kalidad na produktong agrikultural ng Aprika sa pamilihang Tsino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac