Pag-unlad ng relasyong Sino-T.Koreano nitong 30 taong nakalipas, binigyan ng mataas na pagtasa

2022-08-25 16:13:29  CMG
Share with:

 

Dumalo kahapon, Agosto 24, 2022, sa Beijing, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Chung Jae-ho, Embahador ng Timog Korea sa Tsina, sa resepsyon bilang pagdiriwang sa ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 


Binigyan ng dalawang opisyal ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng relasyong Sino-T.Koreano nitong 30 taong nakalipas. Anila, madalas ang opisyal na pagpapalagayan ng dalawang bansa sa iba’t ibang antas, masagana ang natamong bunga sa bilateral na kalakalan at pamumuhunan, malalim ang kooperasyon sa industry at supply chain, malakas ang pagpapalitan ng mga mamamayan, at mahigpit ang koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig.

 

Ipinahayag din nila ang kahandaan ng dalawang bansa, na palalimin ang kanilang estratehiko at kooperatibong partnership, palawakin ang mga komong kapakanan, at buksan ang bagong panahon ng relasyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos