Nag-usap kahapon, Agosto 9, 2022 sa lunsod ng Qingdao ng lalawigang Shandong ng Tsina sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Park Jin, Ministrong Panlabas ng Timog Korea.
Iniharap ni Wang ang mga mungkahi hinggil sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa na kinabibilangan ng mga sumusunod:
Una, dapat igiiit ang nagsasariling patakarang panlabas at iwasan ang pakikialam ng mga dayuhang puwersa.
Ikalawa, dapat igalang ang kani-kanilang mahalagang pagkabahala sa isa’t isa.
Ikatlo, dapat igiit ang pagbubukas at pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan para pangalagaan ang katatagan at kaayusan ng industrial chain at supply chain.
Ikaapat, dapat igiit ang di-pakikialam sa mga suliraning panloob ng isa’t isa.
Ikalima, dapat igiit ang multilateralismo at paggalang sa prinsipyo at layunin ng Karta ng United Nations (UN).
Ipinahayag naman ni Park Jin na nakahanda ang kanyang bansa, kasama ng Tsina, na igiit ang paggagalangan ng dalawang bansa sa isa’t isa, pagkakapantay-pantay at pagkakaroon ng mutuwal na kapakinabangan, palalimin ang pagtitiwalaan sa isa’t isa, at isagawa ang bukas na kooperasyon.
Salin: Ernest
Pulido: Mac