Isang mensaheng pambati ang ipinadala ngayong Agosto 25, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-5 China-Africa Media Cooperation Forum.
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at mga bansang Aprikano ay komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran. Aniya, ang mga mediang Tsino at Aprikano ay may mahalagang responsibilidad sa mga aspektong gaya ng pagpapalalim ng pagtitiwalaan at pagtutulungan, pangangalaga sa kapayapaang pandaigdig, at pagpapasulong ng kaunlarang pandaigdig.
Ani Xi, umaasa siyang ipagpapatuloy ng mga mediang Tsino at Aprikano ang diwa ng mapagkaibigang kooperasyong Sino-Aprikano, ikukuwento ng mabuti ang istoriyang Tsino at Aprikano sa bagong siglo, at ipapaalam sa marami ang komong ideya ng halaga ng buong sangkatauhan upang makapagbigay ng katalinuhan sa pagpapasulong ng pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan.
Idinaos sa Beijing sa araw na ito ang Ika-5 China-Africa Media Cooperation Forum na may temang “Bagong Prospek, Bagong Kaunlaran, Bagong Kooperasyon.”
Salin: Lito
Pulido: Mac