CMG at mga mediang Ruso, magpapalitan ng mga video program para sa pagsasahimpapawid

2022-08-27 10:58:13  CMG
Share with:


Sa pagtataguyod ng China Media Group (CMG) at Embahada ng Rusya sa Tsina, idinaos kahapon, Agosto 26, 2022, sa Beijing, ang seremonya bilang paglulunsad ng kooperasyon ng CMG at mga mediang Ruso sa pagpapalitan ng mga video program para isahimpapawid sa mga plataporma ng isa’t isa.

 

Lumahok sa seremonya sina Andrey Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina; Shen Haixiong, Presidente ng CMG; at mga kinatawan mula sa ilang mediang Ruso.

 

Ipinahayag nila ang pag-asang ang naturang kooperasyon ay makakatulong sa pagpapalalim ng pag-uunawaan sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at Rusya, at pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa.

 


Pagkaraan ng seremonya, ginawaran naman ng embahador Ruso si Shen Haixiong ng "Order of Friendship" mula sa pamahalaang Ruso, bilang pasasalamat sa kanyang ambag para sa pagpapasulong ng pagpapalitang kultural at pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng Rusya at Tsina.


Editor: Liu Kai