Panibagong kooperasyon sa pagitan ng CMG at pamahalaan ng Macao SAR, sinimulan; kagiliw-giliw na mga programa, mapapanood

2022-08-16 15:52:49  CMG
Share with:

Magkasabay na idinaos nitong Lunes, Agosto 15, 2022 sa Beijing at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR) ang seremonya bilang pagdiriwang sa pagsisimula ng panibagong kooperasyon sa pagitan ng China Media Group (CMG) at Macao SAR.

 


Sa kanyang video speech, inihayag ni Ho Iat-seng, Punong Ehekutibo ng Macao SAR ang pag-asang pag-iibayuhin ng bagong round ng kooperasyon ang pagbabahagi ng impormasyon hinggil sa malinaw na imaheng kultural at masaganang kaugalian ng Macao, mas mainam na ipapakita sa mga banyagang tagasubaybay ang mga kuwento ng Tsina, at ipapalabas ang matagumpay na pagsasabuhay ng “isang bansa, dalawang sistema” na may katangian ng Macao.

 

Si Ho Iat-seng, Punong Ehekutibo ng Macao SAR


Sa kanya namang talumpati sa seremonya, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na tuluy-tuloy na palalalimin ng CMG ang inobasyon sa paghahalu-halo ng kaisipan, sining at teknolohiya, ibayo pang palalakasin ang pakikipagpalitan at pakikipagtulungan sa pamahalaan ng Macao SAR, at komprehensibong ipapamalas ang katangi-tanging panghalina ng Macao.

 

Si Shen Haixiong, Presidente ng CMG


Inilunsad din sa seremonyang ito ang mga dokumentaryong ginawa ng CMG na kinabibilangan ng "Aerial China – Macao" at "Crunch and Munch In Macao."

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac