Xi Jinping sa mga kaibigang Britaniko: Ibigay ang mas malaking ambag para sa pagpapalakas ng relasyon ng dalawang bansa

2022-08-27 20:00:26  CMG
Share with:

Ipinahayag kahapon, Agosto 26, 2022, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pag-asang patuloy na ibibigay ng mga kaibigang Britaniko ang mas malaking ambag para sa pagpapalakas ng relasyon ng Tsina at Britanya, sa kanyang reply letter sa mga pamilya ng mga nakaligtas sa bapor pangkarga na "Lisbon Maru."

 

Sa panahon ng World War II noong Oktubre 1942, kinuha ng tropang Hapones ang naturang bapor, para ihatid ang mahigit 1,800 bihag ng digma na Britaniko mula Hong Kong papunta sa Hapon, at sa biyahe, inatake ng tropang Amerikano ang bapor sa karagatang malapit sa Zhoushan Islands, lalawigang Zhejiang ng Tsina.

 

Iniligtas ng mga mangingisdang Tsino ang 384 na bihag sa bapor, at dahil dito, pinasalamatan sila ng hukbo at pamahalaan ng Britanya.

 

Sa pamamagitan ng pagbanggit ng pangyayaring ito, sinabi ni Xi, na ito ay mahalagang saksi sa magkaagapay na pakikibaka ng Tsina at Britanya laban sa pananalakay ng pasista, at nag-iwan ng makabagbag-damdaming kuwento tungkol sa malalim na pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.


Editor: Liu Kai