Sa kanyang liham na ginawa nitong Agosto 25, 2022, bilang sagot sa mga dayuhang ekspertong nagtatrabaho sa Foreign Languages Press ng Tsina, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ang pasasalamat sa naturang mga tauhan sa kanilang ambag para palakasin ang pagpapalitan at pag-uugnayan sa pagitan ng Tsina at ibang mga bansa, at pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Ang Foreign Languages Press, naitatag noong 1952, ay pangunahing palimbagan sa Tsina na gumagawa ng mga publikasyon sa mga wikang dayuhan para sa mga mambabasa sa buong daigdig. Nagtatrabaho dito ang maraming dayuhan mula sa iba’t ibang bansa, para tulungan ang mga empleyadong Tsino sa pagsasalin ng mga babasahin sa wikang Tsino sa mga bersyon sa mga wikang dayuhan.
Nauna rito, sinulat ng limang dayuhang eksperto ng Foreign Languages Press ang liham sa Pangulong Tsino, at isinalaysay sa kanya ang tungkol sa kanilang paggawa ng mga bersyon ng aklat na "Xi Jinping: The Governance of China" sa mga wikang dayuhan. Ipinahayag din nila ang pagmamalaki sa kanilang trabaho na tumulong sa mga mamamayan ng daigdig na maunawaan ang Tsina.
Editor: Liu Kai