Ipinahayag nitong Agosto 28, 2022, ni Nasser Kanaani, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na nalutas na ang karamihang isyu sa negosasyon hinggil sa pagpapanumbalik ng pagsasakatuparan ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA), at natitira na lang ang sensitibo at mahalagang mga usapin.
Sinabi ni Kanaani na idinaraos ng mga dalubhasa ng Iran ang espesyal na pulong para pag-aralan ang reaksyon ng Amerika kaugnay ng mungkahi na iniharap ng Iran para lutasin ang mga natitirang isyu. Agarang ipapadala ng Iran ang reaksyon sa Amerika pagkatapos ng pulong, pero hindi pa kumpirmado ang takdang oras.
Samantala, ayon kay Kanaani, positibo ang tunguhin ng talastasan sa kasalukuyan. Hinahanap ng Iran ang isang mainam at pangmalayuang kasunduan, sabay nito, inaasahan ng Iran na isasaalang-alang ng Amerika ang lehitimong pag-asa ng Iran.
Salin:Sarah
Pulido:Mac