Tsina, poprotektahan ang mga kompanyang Tsino na inilagay ng Amerika sa listahan ng kontroladong pagluluwas

2022-08-26 11:31:20  CMG
Share with:

Ipinahayag ng Tsina na isasagawa nito ang mga kakailanganing hakbang para protektahan ang lehitimong karapatan ng mga kompanyang Tsino na nilagay ng Amerika sa listahan ng kontroladong pagluluwas o export control list.

 

Winika ito ni Shu Jueting, Tagapasalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina sa regular na preskon nitong Huwebes, Agosto 25, 2022.

 

Ang pitong bagong dagdag na entities na Tsino ay pangunahin na kabilang sa larangan ng kalakawan at mga sektor ng may kaugnayan sa  teknolohiya. Ayon sa pahayag nitong Martes ng Kagawaran ng Komersyo ng Estados Unidos, layon nitong buong higpit na pigilan ang pagpasok ng naturang mga entidad na Tsino sa mga paninda, software at teknolohiya na may karagdagang kahilingan sa licensing. Ito ay ginawa alinsunod sa di-umano’y “aktibidad na labag sa pambansang seguridad at interes ng patakarang panlabas,” ayon pa ng panig Amerikano.

 

Bilang tugon, sinabi ng tagapagsalitang Tsino na paulit-ulit na pinalalawak ng Amerika ang konsepto ng “pambansang seguridad” at labis na ipinatutupad ang mga hakbangin na gaya ng export control para siilin at pigillin ang mga bahay-kalakal at institusyong dayuhan, sa pamamagitan ng  kapangyarihang pang-estado.  

Ang ganitong kilos ng panig Amerikano ay malubhang nakakapinsala sa normal na pagpapalitan at pagtutulungang pangkabuhaya’t pangkalakalan sa pagitan ng mga kompanyang Tsino at Amerikano, diin ni Shu.


Bukod dito, labag din ito sa mga alituntuning pampamilihan o market rules at pandaigdig na kaayusang ekonomiko at pangkalakalan, bagay na nagdudulot ng banta sa katatagan ng pandagdig na daloy ng mga  industriyal at suplay na pangangailangan, saad ng tagapagsalitang Tsino.


Salin: Jade

Pulido: Mac