China New Media Conference, idinaos

2022-08-30 16:37:36  CMG
Share with:

Binuksan ngayong araw, Agosto 30, 2022 sa lunsod ng Changsha ng lalawigang Hunan ng Tsina ang 2022 China New Media Conference. Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Huang Kunming, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral at Puno ng Departamento ng Publisidad ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na dapat palalimin ang media integration.


Bumigkas si Huang ng talumpati sa seremonya via video link.


Sinabi ni Huang na ang mga media outlets ay dapat magpasulong ng media integration at magprodyus ng de-kalidad na nilalaman para tulungan ang mas magandang pagkaunawa ng mga mamamayan sa mga bagong teorya ng CPC at epekto ng naturang mga teorya sa mga aktuwal na gawain at kalagayan.


Bukod dito, nanawagan din siyang itatag ang isang malinis at well-governed cyberspace.


Ang pulong na ito ay magkasamang itinaguyod ng All-China Journalists Association at Publicity Department ng Lupong Panlalawigan ng Hunan ng CPC.


Salin: Ernest

Pulido: Mac