Ayon sa datos na inilabas ngayong araw, Agosto 31, 2022 ng China Federation of Logistics & Purchasing (CFLP) at Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, umabot sa 49.4% ang Purchasing Managers' Index (PMI) ng sektor ng pagyari ng Tsina sa Agosto, at ito ay tumaas ng 0.4% kumpara sa nagdaang buwan.
Samantala, nasa 49.8% ang production index, na katulad sa nagdaang buwan.
Nananatiling matatag ang takbo ng produksyon ng mga bahay-kalakal, at tuluy-tuloy ang may kabilisang paglago ng sektor ng pagyari ng consumer products.
Inihayag ni Cai Jin, Pangalawang Puno ng CFLP na napapatingkad ng matatag na presyo ang napakabuting papel para sa pagpapatatag ng ekspektasyon ng produksyon at pamamalakad ng mga bahay-kalakal.
Salin: Vera
Pulido: Mac