Pagbati, ipinahayag ni Xi Jinping sa kauna-unahang Innovation Exchange Conference for Craftsmen

2022-04-28 14:36:15  CMG
Share with:

Isang liham na pambati ang ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kauna-unahang Innovation Exchange Conference for Craftsmen of the Nation na binuksan sa Beijing Miyerkules, Abril 27, 2022.

 

Nanawagan siyang patingkarin ang puwersa at katalinuhan para sa de-kalidad na pag-unlad at pagpapatupad ng estratehiya ng pagtatatag ng bansang nangunguna sa pagyari.

 

Ipinaabot din niya ang pangungumusta at pagbati sa mga manggagawa ng bansa sa bisperas ng International Workers' Day sa Mayo 1.

 

Ipinagdiinan niyang ang mga skilled worker ay pangunahing puwersa ng sektor ng pagyari at inobasyon ng Tsina.

 

Hinimok niya ang working class at mga manggagawa ng bansa na palaganapin ang diwa ng mga modelong manggagawa at craftsmanship, at tugunan ang pangangailangan ng pandaigdigang rebolusyon sa siyensiya’t teknolohiya at transpormasyong industriyal.

 

Sa ilalim ng teamang "Craftsmanship and Innovation Makes China Stronger," idinaos sa kapuwa online at offline na plataporma ang naturang komperensya.

 

Ipinakita rito ang mahusay na kakayahan at bunga ng inobasyon ng mga manggagawang Tsino, at inilatag ang plataporma para sa pagpapalitan ng mga talentong may mahusay na kakayahan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio